Error
  • JFTP::login: Unable to login
  • JFTP::write: Unable to use passive mode
  • XML Parsing Error at 2:26. Error 7: mismatched tag

P50-M ‘pabaon’ kay Gen. Angelo Reyes? Wowowilling willie!!!

Suntok sa buwan Ni John AgustinNakakakinig katawan naman talaga ang ‘bombang’ pinasabog ni dating Lt. Col George Rabusa sa ginagawang Senate Blue Ribbon Committee hearing na pati si Senate President at committee chairman Senator Juan Ponce Enrile at co-chairman Sen. Jinggoy Estrada ay muntik ng mabingi sa tindi ng corruption sa Armed Forces of the Philippines.


Mas matindi ang ‘bombang’ ito ni Rabusa keysa yata sa bombang sumabog sa Makati City nuong nakaraang linggo, eh, dahil sa tindi ng epekto ng ‘Rabusa-bomb’ sa integridad ng AFP at ng Aquino government sa ‘rid-corruption’ policynga ni PNoy.


Biruin mo nga naman, kakabsat, P50-milyon ang ipinababaon pala ng AFP sa mga retiring chief of staff tulad nga ni Gen. Angelo Reyes at posibleng ang mga nauna pang mga chiefs of staff ng AFP. Langhiyang buhay nga naman ito para sa mga Pinoy sa Pinas, hanepo?


At lalo ng masakit ang balitang ito sa mga sundalo na lumalaban ng harapan sa mga kaaway ng pamahalaan sa Midanao at mga bundukin sa buong bansa na pinamumugaran ng mga NPAs at mga bandido. Ang liit-liit na nga ng kanilang sweldo at food allowances, at luma at pudpod na yata ang mga booths a kupas na uniforms, eh, heto, P50 milyon cash ang ‘pabaon’ nga AFP sa kanilang Chief of Staff na hindi man lamang nakaranas yata na masabak man lamang kahit minsan sa Mindanao o’ makapag-papuntok ng .45 kontra NPA o’ bandido.


Kaya pala nagkaruon ng coup d’ etat ang Magdalo group nina Sen. Trillanes nuong GMA regime, eh. Alam kasi nila ang kalakaran sa AFP at ng gusto nilang mabago ang sistema, hayun, kalaboso silang lahat.


Buti na lang at nagbigay ng amnesty si Pangulong Noynoy Aquino sa mga sundalong nag-try ng coup d’ etat kontra Arroyo administration. Ibig sabihin nito, Ka Ramon, eh, alam din ni PNoy ang ‘bigayan’ ng ‘pabaon’ sa mga retiring AFP chief of Staff at ang monthly ‘P1-M to P5-M’ allowances ng mga AFP Chief at mga matataas na Henerales, AFP controllers tulad nina Rabusa mismo at (Ret) .Gen. Carlos Garcia? (Malaking posibilidad, Johnny meyn, dahil presidente na ng bansa si Noynoy at paniguradong alam na niya ngayon ang kalakaran sa lahat ng departamento ng bansa – ed)


Jawskopoh! Kaya kayang kayanin ni PNoy na banggain ang mg Henerales ng AFP ng hindi maga-alsa ang mga ito kontra kaniyang gobiyerno?


* * * * *


Kwento pa ni Rabusa sa Senate Blue Ribbon committee nina Sens. Enrile at Jinggoy, umaabot daw sa P40 milyon ang ‘budget cut’ sa mga joint staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ito na raw ‘yung pinaparte-parte.’ Galing daw ang nasabing milyones sa mga ‘budget cut ng pambili ng mga baril, bala, sapatos at medical benefits ng mga sundalo.’


E, nu’ng panahong ‘yon na nakaupong chief of staff si Angelo Reyes, budget officer ng AFP J-6 itong si Rabusa at ang nakapuwestong chief comptroller noon ay si Lt. Gen. Jacinto Ligot, bago ito pinalitan ni Gen. Garcia.


Anipa Rabusa, bilang budget officer daw ay dumadaan talaga sa kanya ang naipong ‘budget cut’ at siya na rin ang naglilista ng mga ‘beneficiary’ ng milyong perang ito at personal ding nagdedeliber sa mga “nabibiyayaan”.


Limang milyong pisong pang-“personal use” daw ang tinatanggap noon ni Reyes at P5 milyon pa ulit para sa opisina nito bilang COS (chief of staff) buwan-buwan. At gaya ng ibang pondo, siya rin ang personal na naghahatid kay Reyes ng buwanang ‘allowance’ na ito. At para raw makaiwas sa liquidation process ay pinalilitaw daw nilang parte ng intelligence fund ang nasabing milyones.


Dugtong pa ni Rabusa, ipina-convert pa nila sa dolyar ang P50 milyong ito sa kagustuhan daw ni Reyes para raw hindi masyadong ‘bulky’. Eh, asan na kaya ang nasabing  $1-million na yon ni Gen. Agie Reyes? (Your guess is as good as mine, Johnny meyn. Nasa Swiss bank na yon or nasa HK bank – ed)


* * * * *


Kasama pa raw ni Rabusa si Eltikol Ligot nang personal na ideliber ang pera kay Reyes sa ‘White House’ na siyang tawag nila sa official residence ng mga COS, ilang araw bago ito bumaba sa pwesto.


Hanep talaga, kakabsat, detalyadong talaga ni Rabusa ang mga ganapan sa AFP. Para talagang scripted ito at magaling na script writer ang mga opisyales ng AFP, like Rabusa at mga Henerales, yan ay kung tutoo lahat ang ibinubunyag nga nitong si eltikol.


Dahil everybody is presumed innocent of the crime he is being charged, until proven guilty beyond  reasonable doubt by a competent court of justice, hindi ng isang Senate Committee lamang, na ang duty ay mag-imbestiga or inquiry para makagawa ng batas hinggil sa isyung kanilang dinidinig. Kung gusto ng Senado, ay puwede silang magrekomenda ng civil or criminal case kontra mga Henerales, pero, hindi sila puwedeng magdesisyon sa guilt or innocence ng isang taong kanilang ‘iniimbestigahan.’ Tama ba ko rito, ka Ramon? (Hmmm… akala ko civil engineer ka, Johnny meyn, abogado ka pa yata, eh …ed)


* * * * *


Nakngteteng, budget na P40 milyon na pambili ng bala, baril, combat shoes, vest at helmet, mga gamot at pampadoktor, ay pinahahatian lang ng ilang tao – ng kanilang mga heneral, ayon pa kay Rabusa?


Kung totoo ito, dapat na sigurong ibalik ang bitay sa Pi­lipinas na ilalapat lamang sa mga guilty sa ‘plunder’, rape, mga economic saboteurs, drug manufacturer at pushers, illegal recruiters at murderer. Di ba kami ang Boss mo President Noynoy? Ok, ipabalik mo na ang bitay sa Pinas at huwag pakinggan muli ang Simbahan na kontra dito at sa pagamit ng condom. Go Pnoy, Go!

Toronto, Canada

An error occured during parsing XML data. Please try again.

Who's Online

We have 3 guests online