Error
  • JFTP::login: Unable to login
  • JFTP::write: Unable to use passive mode
  • XML Parsing Error at 2:26. Error 7: mismatched tag

September '09

Joke Time Ni Edgar BelloLahi ng matatapang!

TATAY: Panahon na upang ipakita ang tapang ng ating lahi!
JUNIOR: Ipamalas na­tin ang lakas ng ating loob!
BUNSO: Dapat na ta­yong magkaisa!
NANAY: Tama! Kaya humayo na kayo at magpatuli!




Relihiyosong BF …

DADDY: Mabait ba ang boyfriend mo?
ANAK NA DALAGA: Yes, dad.
DADDY: Relihiyoso ba?
ANAK NA DALAGA: Opo! Sobra!
DADDY: Saan ba nakatira ‘yan?
ANAK NA DALAGA: Sa simbahan po. At nagmimisa siya ngayon.




Alak effect …

TOMAS: Pare, isinusumpa ko na ang alak. Hindi na ako iinom!
EDWIN: Bakit naman, pare?
TOMAS: Kasi, dumarami ang anak ko, eh!
EDWIN: Ano naman ang kinalaman ng alak sa pagdami ng mga anak mo?
TOMAS: Kasi, kapag umuuwi akong lasing, gumaganda si misis! 




May amat …

Tumawag ang isang baliw sa mental hospital…
BALIW: Hello? Ita­ta­nong ko lang kung may tao pa sa Room 28.
NARS: Wala na. Ba­kit?
BALIW: Wala lang. Sinisigurado ko lang kung talagang nakatakas ako! He! He! He! He!




Aswang!

ANAK: Inay, sabi nila, aswang daw po kayo. Mukha po ba kayong aswang?

Palagay ko, kailangan n’yo nang lumipat, Inay!
INAY: Saan naman ako lilipat?
ANAK: Lumipat na po kayo sa bubong!




KASABIHAN
Aanhin pa ang damo kung hindi naman ako kabayo?
Ang lalaking gipit, sa bakla kumakapit.
Ang lumakad nang matulin, nag-eensayo na para sa London Olympics 2012.


Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan… may stiff neck.
Ang taong mahilig magpautang… Bumbay. 




Wazz up?
When God created me, He made me choose:
SEX APPEAL or SHARP MEMORY.
Hindi ko matandaan kung alin ang pinili ko…




Mahal mag-asawa …
ANAK: Itay, magkano po ba ang mag-asawa?
ITAY: Hindi ko alam, anak, kung magkano talaga ang mag-asawa.

Kasi, hanggang ngayon, nagbabayad pa rin ako sa nanay mo!




Oo nga naman …

Aanhin ko pa ang pangalan ko…

kung CUTE din lang naman ang tawag sa akin? 




Baket nga ba?
Hindi naman ako tubig… pero bakit ang daming UHAW sa akin? 




Anong drinks ng pari?
T: Bakit ayaw uminom ng mga pari ng softdrinks?
S: Kasi, maka-juice sila. 




Huwag po, sir …
INDAY: Sir! Pag nalaman ni ma’am… lagot tayo!
SIR: Bakit? Magsusumbong ka ba?
INDAY: Hindi po!
SIR: Hindi naman pala, eh!  Dali na! Make-up-an mo na ako…

‘yung bitchy ang dating, ha? Goh na, sis!

Wa ka na maraming kemerlu!

‘Yung bonggacious ang epektsina at rarampacious na ako

para syolbog ang chararat na misis ko! 




Short sya, eh ..
JOSHUE: Pare, pautang naman. Gipit ako ngayon, eh!
NOEL: Naku, wala rin akong pera! Bakit hindi ka mangutang

kay Boy Pandak?
JOSHUE: Hindi pwede, pare. Short ‘yung tao, eh!




Baliw nga ba?

Nag-usap ang dalawang baliw na gustong makatakas sa mental hospital…
BALIW #1: Pare, alam ko na ang gagawin para makatakas tayo!
BALIW #2: Paano? Eh naka-padlock ‘yung gate!
BALIW #1: ‘Yun na nga, eh! Sisirain natin ang padlock. Kapag nasira na,

makakatakas na tayo!
BALIW #2: Oo nga! Kaygaling mo talaga! Tara na!
BALIW #1: Ay! Kaymalas!
BALIW #2: O, bakit?
BALIW #1: Hindi naka-lock ‘yung padlock! Hindi natin masisira!

Hindi tayo makakatakas!
BALIW #2: Kaytanga mo naman, pare! Simple lang ‘yan…

i-lock natin para pwede na nating sirain!




Pagkain!

Nahulog ang isang butiki sa mesa sa school lab…
HENYO: Oh, Reptila scincidae!
KIKAY: Eew! Lizard!
ASTIG: Shit! Butiki!
MATARAY: Shucks! Butiks!
MAYAMAN: Yuck! Lacoste!
MAHIRAP: Uy! Ulam!




National fish …
JUAN: Ano ang pambansang isda ng Pilipinas? Nagsisimula

ito sa letrang B.
PEDRO: Butete?
JUAN: Hindi. Ang huling letra niya ay S.
PEDRO: Ahh… Butetes!




National flower, naman …
ROY: Ano ang pambansang bulaklak ng Pilipinas?

Nagsisimula sa letrang S.
BERT: Sunflower?
ROY: Hindi! Ibinebenta ito sa kalye.
BERT: Storck?
ROY: Bulaklak nga, eh!
BERT: Sitsarong bulaklak!
ROY: Hindi! Ang huling letra nito ay A.

BERT: Ahh… Sitsarong bulaklak na may suka!




Gatas …

Tindero: Mama , bili ka gatas ng baka. P10 piso lang isang baso
Manong: Ang mahal naman, may tig piso lang ba nyan?

Tindero: Meron Po, pero kayo na Po ang dumede as baka.

****

Brain surgery ..

Pasyente: Dok, bakit po ganito ang operasyon as ulo ko? Halos kita na utak ko
Doctor: Ok lang yan, yan ang tinatawag na open minded.




Pamasahe …

A naked girl takes a taxi:

Naked Girl: ‘Bakit ka nakatitig sa katawan ko, ngayon ka lang ba nakakita ng hubad?’

Driver: ‘Hindi po miss, iniisip ko lang kung saan nakatago pamasahe MO!




Beauty contest Q&A…

Emcee: What’s the big problem facing the country today?
Contestant: Drugs
Emcee: Very good, why do you say that?
Contestant: Ang mahal kasi eh!

Toronto, Canada

An error occured during parsing XML data. Please try again.

Who's Online

We have 14 guests online